ni Jasmin Joy Evangelista | September 23, 2021

Hindi na required ang pagsusuot ng face shield sa pampublikong lugar, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Required na lang ito sa closed, crowded, at close-contact areas gaya sa ospital.
“No more face shields outside... Ang face shield, gamitin mo lang sa 3Cs: closed facility, hospital, basta magkadikit-dikit, crowded room, tapos close-contact. So diyan, applicable pa rin ang face shield," ani Duterte sa kanyang second public address sa linggong ito.
"Other than that, I have ordered kung ganoon lang naman, sabi ko then I will order that we accept the recommendation nitong executive department," dagdag niya.
Ang mga guidelines ukol dito ay ipinag-uutos ni Pangulong Duterte na isapubliko sa lalong madaling panahon.
Matatandaang naging malaking usapin ang pagsusuot ng face shield sa pampublikong lugar, lalo’t isa umano ito sa karagdagabg gastos ng mga Pilipino sa panahon ng pandemya.
Comments