ni Madel Moratillo @News | Jan. 24, 2025
File Photo: Comelec
Muling ipinagpaliban ang nakatakda sanang muling pag-imprenta ng opisyal na mga balota na gagamitin sa eleksyon sa Mayo.
Sa abiso ng Commission on Elections (Comelec), ang dapat sanang pagpapatuloy ng ballot printing ngayong araw, Enero 24, ay muling inilipat sa Enero 27, Lunes, na gagawin sa National Printing Office (NPO) sa Quezon City.
Ito ay kasunod ng pag-atras ng senatorial candidate na si Francis Leo Marcos nitong Huwebes.
Ayon sa Comelec, si Marcos ay isa sa mga nabigyan ng temporary restraining order ng Korte Suprema na pumipigil sa desisyon ng komisyon na ideklara itong nuisance candidate ng Commission en banc.
Panawagan ni Comelec Chairman George Garcia sa mga may plano pang umatras na maghain na bago pa sila magsimulang mag-imprenta.
Comments