top of page
Search
BULGAR

Repasuhin ang mapang-abusong quasi-judicial powers ng PhilHealth!

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | August 27, 2021



Dalawang ospital na hindi nabayaran ang utang ng PhilHealth ang nagsara, isa rito ay sa Samar at isa sa Davao. ‘Yan na nga ang ating kinatatakutan, nangyari na!


Hindi lang ‘yan, ayon kay Dr. Jose De Grano, presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines Incorporated o PHAPi, may iba pa silang miyembrong ospital ang nagbabalak na talagang magsara pero sikap to the max pa rin na makahanap ng paraan para makaalpas sa problemang pinansiyal.


Juicekolord! Sobra na ang ating pag-aalala. Bakit ba usad-pagong ang PhilHealth, ano ba?! Eh, kung magbabayad kayo ng utang sa mga ospital, puwede ba na bilis-bilisan naman! ‘Kalokah! ‘Wag nang puro satsat at pangako, gawin na ‘yan ASAP!


Eh, kundangan ba namang kung anu-ano pang idinadahilan, may paimbe-imbestiga pa sa mga ospital. Hello! Ngayon n’yo lang ‘yan gagawin? Nasa kasagsagan tayo ng paglobo ng kaso ng COVID-19 dahil sa Delta variant, kung anu-ano’ng klaseng variant na ang lumalabas!


Aba, tila sumosobra at abuso na ang quasi-judicial powers na ‘yan ng PhilHealth! Unahin n’yo munang magbayad, por Diyos, por santo! Aanhin mo ang damo kapag patay na ang kabayo?! Heller! ‘Wag nang hintaying madagdagan pa ang mga magsasarang ospital!


Mabuti sana kung lahat ng Pinoy kayang magbayad ng buo sa kanilang hospital bills. Ano na lang ang gagawin natin d’yan kapag lahat ng ospital kumalas na sa PhilHealth at nawalan na ng diskuwento ang mga pasyente — COVID-19 man ‘yan o anumang sakit? Aber?


Pero anyways, IMEEsolusyon natin, repasuhin na ang mapang-abusong quasi-judicial powers ng PhilHealth. IMEEsolusyon din na ‘wag nang ituloy muna ang TSPC o temporary suspension of payment of claims ng PhilHealth na parang ginigipit, lalo na ang mga ospital.


Tila may katotohanan ang sinasabi ng PHAPi na nagtatago lang ang PhilHealth sa mga paimbe-imbestiga muna ng TSPC para maiwasan na tapusin na ang bayarin sa mga ospital.


Reminder, mamemeligro hindi lang kayong nasa PhilHealth, may kapamilya at kaanak kayong naoospital din. At kapag tuluyan nang kumalas ang mga ospital sa PhilHealth dahil sa inyong pagkakautang, saan tayo pupulultin pare-pareho, sa kangkungan?


Bilib tayo kay PhilHealth chair Dante Gierran, na mapagkakatiwalaang lingkodbayan, pero may ilang tao siya sa legal department ng ahensiya na kanyang kabaligtaran. Bayaran na ang mga utang ninyo sa mga ospital bago pa mahuli ang lahat, Plis lang!

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page