ni Mary Gutierrez Almirañez | March 18, 2021
Nagpositibo sa COVID-19 si House Majority Leader at Leyte Representative Martin G. Romualdez, kabilang ang 29 pang miyembro ng kapulungan, ayon sa press statement na inilabas ng kanilang tanggapan kahapon, Marso 17.
“Today, I received the result of my RT-PCR test showing that I am positive for COVID-19. I am scheduled to undergo a second test tomorrow to rule out a false positive result,” pahayag pa ni Rep. Romualdez.
Nauna na ring iniulat na positibo sa naturang virus si Anakalusugan Party-list Representative Mike Defensor, kung saan maging ang 7 na kasama nito sa bahay ay nagpositibo rin.
Sa kabila nu'n, iginiit naman ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza na hindi pa kailangang i-lockdown ang kanilang tanggapan. Aniya, "So far no need naman.
Nasabi naman ni Speaker at saka mga members na hindi naman kailangang i-lockdown kasi two weeks na lang din naman tayo… At the same time, gusto na ring tapusin ni Speaker at ng mga members 'yung mga pending measures sa House bago mag-break. Controlled naman, managed naman 'yung situation sa House kasi considering na 29 cases, that's around two to three percent lang ng population ng House.”
Sa ngayon ay naka-isolate na si Rep. Romualdez at masusing binabantayan ng kanyang doktor. Hiniling din niya na magpa-swab test ang mga naging close contact niya upang hindi na kumalat ang virus.
"Let me assure those who are concerned with my physical well-being that I am coping well despite experiencing symptoms of the disease, and that I am in high spirits," aniya.
Comentários