ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 26, 2021
Nagkakaubusan na ng stock ng gamot sa COVID-19 o ang mga investigational drugs na remdesivir at tocilizumab dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).
Dahil sa insidente, ayon sa DOH ay daragdagan nila ang pondo para sa mga ospital “to ensure unhampered supply of COVID-19 therapeutics. “The DOH will be downloading P5 million to each DOH hospital including specialty hospitals in NCR, Central Luzon and CALABARZON.
“This will allow our hospital to replenish their COVID-19 medicine supply.” Saad pa ng DOH, “The current stocks of remdesivir and tocilizumab are running low. The remaining supplies being used by selected hospitals are donations from the WHO (World Health Organization).”
Ang remdesivir ay isang antiviral medication na isinailalim sa clinical trials ng WHO bilang panggamot sa COVID-19 ngunit kalaunan ay inalis din sa trial dahil sa diumano'y kakulangan ng ebidensiya sa effectiveness nito.
Saad din ng DOH, “However, due to recent developments, the WHO Solidarity Trial has struck out the inclusion of remdesivir among its investigational drugs citing that it ‘had little or no effect on overall mortality, initiation of ventilation and duration of hospital stay in hospitalized patients.’”
Ang tocilizumab naman ay isang anti-inflammatory drug na nag-a-undergo ng clinical trials sa ibang bansa bilang panggamot sa COVID-19.
Pinahihintulutan ng Food and Drug Administration ang paggamit ng mga naturang investigational drugs sa ilalim ng compassionate use permits.
Samantala, ngayong araw ay nakapagtala ang DOH ng pinakamataas na bilang ng karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa na 8,773.
Comments