top of page
Search
  • BULGAR

Relasyon, secret lang daw kahit 2 yrs. na sila noon para sa career… RICO, IBINIGAY NA ANG LAHAT NG GUSTO NI MARIS, INIWAN PA RIN

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 21, 2024


Showbiz News
Photo: Rico Blanco / IG

Labis kaming nagtataka kung bakit sunud-sunod ngayon ang labas sa social media ng mga larawan nina Maris Racal at Rico Blanco na kuha nu’ng masaya pa silang magkasama at bago pa lang ang kanilang relasyon. 


Nag-umpisa ang pagkalat ng videos at photos nila sa social media matapos aminin ni Maris na break na sila ni Rico. Lumalabas tuloy na underdog ang singer-composer at marami sa kanyang mga fans ang nakikisimpatya sa pang-iiwan sa kanya ng aktres. 


Mukhang pinagi-guilty nila si Maris dahil pinaasa lang pala nito si Rico. Mas pinili raw ng aktres ang kanyang career at hindi nanghinayang sa limang taon nilang pinagsamahan.


Samantala, dismayado rin ang mga fans nang malaman nila na nu’ng two years pa lang na magkarelasyon sina Maris at Rico ay binilinan na ng aktres ang nobyo na huwag muna niyang ipaaalam sa publiko ang kanilang relasyon. Inaalala raw ni Maris na makakaapekto ito sa kanyang career. Pumayag naman si Rico sa pakiusap ng aktres dahil mahal niya ang nobya. 


Ngayon ay nagagawa na nga ni Maris Racal ang kanyang diskarte para mas umangat pa nang husto ang kanyang career. Masakit man ay binigyan siya ng kalayaan ni Rico Blanco.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page