top of page
Search

Regular na psychiatric test sa lahat ng pulis, oks kay PNP Chief Eleazer

BULGAR

ni Lolet Abania | June 3, 2021



Pinag-iisipang isagawa ng Philippine National Police (PNP) chief na si Police General Guillermo Eleazar ang regular neuropsychiatric tests para sa lahat ng police personnel sa gitna ng dumaraming reports hinggil sa mga alagad ng batas na namamaril hanggang mapatay ang mga sibilyan.


Sa isang pahayag ngayong Huwebes, sinabi ni Eleazar na kinakailangan itong isagawa dahil sa estado at klase ng trabaho ng mga pulis, subalit aniya, limitado ang resources para sa ganitong pagsusuri.


“The PNP will study this recommendation of subjecting our personnel to regular psychiatric assessments or tests… However, I would also have to admit the limitations, at present, in our healthcare capacities and services,” ani Eleazar.


Gayunman, pinag-aaralan na ng PNP ang ibang paraan upang ang naturang test ay maging available sa lahat ng kanilang kawani, kung saan maaaring magkaroon ng partnership sa mga institusyon at pasilidad na nagtataguyod ng kahalagahan ng mental health.


Ikinonsidera ni Eleazar ang pagkakaroon ng psych test matapos ang nangyaring pamamaril ni Police Master Sergeant Hensie Zinampan sa isang 52-anyos na ginang na si Lilibeth Valdez na napatay nito sa Quezon City, kung saan ang insidente ay nakunan ng video.


Matatandaang noong Disyembre 2020, isa ring police officer mula sa Parañaque City na si Jonel Nuezca ang nakita sa video na pinagbabaril at napatay ang mag-inang sina Sonya Gregorio, 52, at Frank Anthony Gregorio, 25, sa Paniqui, Tarlac.


Sa ngayon, ayon sa PNP chief, ang neuropsychiatric tests ay mandatory lamang para sa promosyon sa police organization at requirements sa mga eskuwelahan. Ang mga unit commanders, sa pamamagitan ng kanilang station health units, ay maaari lamang mag-request ng test para sa kanilang uniformed personnel kung nakikita nilang nagkakaroon ng emotional o mental imbalance sa kanilang mga staff.


“Until then, our police commanders who observe signs of emotional imbalance or mental disorder on their men should immediately refer them for neuro-psychiatric evaluation, through their respective health units,” sabi ni Eleazar.


“This way we can help them cope and heal and avoid being a danger to themselves and others,” dagdag niya.


Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page