ni Jasmin Joy Evangelista | March 6, 2022
Ipinag-utos ni Bago City, Negros Occidental Mayor Nicholas Yulo na magbalik na sa regular work schedule ang mga regular na empleyado simula sa Lunes, March 7.
Gayunman, pinaalalahanan ni Yulo ang mga empleyado na patuloy na sundin ang health protocols upang maiwasan ang pagkakahawahan ng COVID-19.
Mahigpit niyang tagubilin ang pagpapatupad ng precautionary measures sa pagbabalik ng normal na operasyon, tulad ng disinfection at decontamination activities, pagsasagawa ng health status check at pagsunod sa physical distancing requirements.
“All agencies are mandated to enforce health standard protocols at all times such as wearing of face masks, taking of body temperature, and setting up of sanitation stations,” ani Yulo.
Commentaires