ni Jasmin Joy Evangelista | January 3, 2022
Nakatakdang buksan ng San Juan City government ang registration para sa COVID-19 vaccination ng mga batang edad 5 hanggang 11 ngayong araw.
Sa inilabas na advisory ng local government unit nitong Linggo, inanunsiyo ni Mayor Francis Zamora na simula ngayong araw, Enero 3, 2022, magsisimula nang tumanggap ng mga registrants sa naturang age group.
Batay sa post, ito ay bilang paghahanda sa opisyal na vaccination roll out para sa mga nakababatang pediatric population na nabigyan na ng emergency use approval ng Food and Drug Authority.
Para sa mga nais iparehistro ang kanilang mga anak na nasa edad 5-11, maaaring mag-register online sa https://vaxreg.sanjuancity.gov.ph/vaccine_registration/public/.
Samantala, patuloy pa ring nakabukas ang registration sa lungsod para sa 1st dose vaccine at booster shots para sa mga nabakunahan na ng 2nd dose sa nakalipas na tatlong buwan.
Comments