top of page
Search
BULGAR

REGINE, 300 SINGING CONTEST ANG SINALIHAN, 75 LANG ANG NAPANALUNAN

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 9, 2022




Nang i-post sa sikat na entertainment blog ang photo ni Regine Velasquez-Alcasid na ginaya nga ang posing ni Kim Chiu sa photo nito sa hallway ng ABS-CBN, may halu-halong comments ang mga Marites.


Ang iba ay sobrang wild talaga ang pamba-bash sa Songbird.


Ang dami pa rin palang bashers at say nila... "Regine is the most overrated singer in the Philippines. Napaka-ordinaryo ng boses at masakit pa sa tenga. Ang body of work niya, 'di rin maganda dahil puro revival albums lang ang ginagawa niya."


"Agree! Puro tili ang pagkanta niya at lahat ay kaboses niya. Hindi mo siya ma-distinguish sa iba kung boses lang ang maririnig mo, unlike Sharon Cuneta and Zsa Zsa Padilla na alam mo agad kahit boses pa lang."


"Queen of Cover Songs siya, puwede pa."


Pero say naman ng ibang netizens, na totoo naman...


"Please don’t undermine her achievements. Not everyone who joins showbiz can be as successful as her. Maybe for you she’s overrated, ordinary and masakit sa ears ang voice but you can’t deny the fact that she’s successful in her craft."


"Nag-enjoy ka rin naman sa kasikatan niya nu'n, baks. Hayaan mo na. Icon naman na talaga siya.


I love Regine pero marami na rin talagang magagaling na singers ngayon."


"She used to be good during her 20s. Magaling naman talaga siya, kaya lang, nu'ng tumagal at sa sobrang galing at effortless niyang bumirit, nabo-bored siya at wala nang challenge kaya lagi niyang itinataas nang itinataas ang mga kanta. Only Regine's fans will know sa comment ko."


"Pero nu'ng nagsisimula siya, siya lang. Wala siyang katulad. Wala siyang kasabayan na bumibirit. Kasi before siya, ang sikat noon, si Sharon (Cuneta). Pagkatapos, halos lahat na ng singers after niya, inspired na sa kanya. Hulma na sa kanya. Template na siya."


"Bago siya naging so-called overrated, naging underrated din siya. Sumayaw-sayaw sa pelikula habang may hawak na banana cue with Herbert Bautista…"


"Ang overrated for me is si Pops Fernandez, bakit Concert Queen? Dahil unang nakapuno ng venue?"


"Kung may totoong underrated.. I think its Donna Cruz, Jaya, Ella May Saison, Dessa."


Samantala, sa Untucked ng Drag Race PH, binalikan ni Regine ang mga pinagdaanan niya noong nagsisimula pa lang siya para maging isang mang-aawit para maging inspirasyon sa mga natatalo sa anumang competition.


Kuwento niya sa mga Drag Racers, "Alam n'yo ba, kung ilang singing contest ang sinalihan ko, 300 at 75 lang ang napanalunan ko.


"Pero my father is very good in handling my defeat. It felt I was just playing a game and I love singing.


"So, every time na matatalo ako, sabi ng tatay ko, luto. Lahat, sasabihin na luto 'yan.


"And then he will correct me and he will criticize in a really gentle way. Sasabihin niya, 'Anak, mayroong part sa kanta mo na nag-flat ka. Kaya next time, ingatan mo 'yan. Pero luto,'" natatawa pang pagbabalik-tanaw ni Regine.


Dagdag pa niya, "So, I never got insecure and this is the nature of competition. But I promised you, when you look back, marami kang makikilala, magiging kaibigan at kaaway.


"But the whole experience will make you stronger."


Dahil dito, lalo pa ngang hinangaan ng mga Drag Racers si Regine and for sure, mas marami pa siyang na-touch sa kanyang mga pinagdaanan sa buhay at career.


0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page