ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Feb. 24, 2025

Dear Chief Acosta,
Nais naming tutulan ang ipinataw na halaga ng amilyar o real property tax sa amin. Ganunpaman, sinabi sa amin na kinakailangan muna itong bayaran kasabay ng aming pagprotesta. Tama ba ito? Paano ang mangyayari sa aming ibinayad kung sakaling manaig ang aming protesta? — Billy
Dear Billy,
Ang sagot sa iyong mga katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 252 ng Republic Act (R.A.) No. 7160, o mas kilala sa tawag na “Local Government Code of 1991.” Kaugnay nito, nakasaad:
“Section 252. Payment Under Protest. –
(a) No protest shall be entertained unless the taxpayer first pays the tax. There shall be annotated on the tax receipts the words “paid under protest”. The protest in writing must be filed within thirty (30) days from payment of the tax to the provincial, city treasurer or municipal treasurer, in the case of a municipality within Metropolitan Manila Area, who shall decide the protest within sixty (60) days from receipt.
(b) The tax or a portion thereof paid under protest, shall be held in trust by the treasurer concerned.
(c) In the event that the protest is finally decided in favor of the taxpayer, the amount or portion of the tax protested shall be refunded to the protestant, or applied as tax credit against his existing or future tax liability.
(d) In the event that the protest is denied or upon the lapse of the sixty-day period prescribed in subparagraph (a), the taxpayer may avail of the remedies as provided for in Chapter 3, Title II, Book II of this Code.”
Ayon sa nabanggit, malinaw na walang protesta ang maaaring ikonsidera maliban kung may kaakibat o patunay ng naunang pagbabayad ng buwis. Sa madaling salita, requisite ng protesta ang pagbabayad muna ng ipinataw na buwis o amilyar.
Ganunpaman, alinsunod din sa nabanggit na probisyon ng batas, kung sakaling matagumpay na mapatunayan na mali ang pagpapataw o halaga ng buwis, ang nabayarang halaga ng buwis na ipinoprotesta ay ibabalik sa nagprotesta, o ilalapat bilang tax credit laban sa kasalukuyan o hinaharap na pananagutan sa buwis.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.
Comments