top of page
Search
BULGAR

Redesign ng logo at seal ng gobyerno, dapat idaan sa NHCP

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | August 6, 2023


Nitong mga nakaraang araw, naging saksi tayo sa tila sunud-sunod na rebranding o pagpapalit ng logo ng mga ahensya ng pamahalaan.


Nar’yan ang Department of Tourism (DOT) sa kanilang Love the Philippines campaign na inulan ng batikos dahil sa paggamit ng stock footage mula isang video creation platform para sa kanilang promotional video.


Sinundan ito ng bagong logo ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) na naging kontrobersyal dahil lumabas na nagkakahalaga ang logo ng higit P3 milyon.


☻☻☻


While I am sure na may ginawa naman silang mga pag-aaral ukol dito, maganda sigurong magkaroon tayo ng safeguards sa proseso ng redesign para masigurong akma at nasa ayos ang logo ng ahensya ng pamahalaan


Ito ang dahilan kung bakit nag-file ang inyong lingkod ng panukalang batas, ang S.B. No. 2384 para amyendahan ang Republic Act No. 8491.


Layon ng panukalang batas na ito na palakasin at ipatupad nang maayos ang mga standards ng paglikha at pagpapalit ng logo at official seals ng pamahalaan.


Sa ilalim ng panukalang batas na ito, kailangan munang padaanin ng mga ahensya ang kanilang planong redesign sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP).


Ito ay para masiguro na ang mga official seal at logo na malilikha ay maipapakita nang tama ang ating national ideals pati na rin ang principles of sovereignty at national solidarity.


☻☻☻


Base sa mga batikos at kontrobersya na hinaharap ngayon ng mga nasabing ahensya, masasabi natin na hindi basta-basta at ‘di dapat maliitin ang proseso ng pagpapalit ng logo lalo pa ng pamahalaan.


Kaya naman umaasa tayo na bibigyang pansin ng ating mga kapwa mambabatas ang ating ihinaing panukala.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

0

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page