ni Lolet Abania | July 3, 2022
Nagpositibo sa toxic red tide ang limang lugar sa bansa habang pinapayuhan ang publiko na huwag kumain ng anumang makokolektang shellfish mula dito, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Ang mga lugar na lumabas na may paralytic shellfish poison (PSP) o toxic red tide na lampas sa regulatory limit nitong Hunyo 30, base na rin sa laboratory results na isinagawa ng BFAR at local government units (LGUs) ay ang mga sumusunod:
• coastal waters ng Milagros sa Masbate
• coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol
• Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur
• Litalit Bay, San Benito sa Surigao del Norte
• Lianga Bay in Surigao del Sur
Ayon sa BFAR, ang shellfish at alamang (Acetes sp.) na makukuha sa mga nabanggit na lugar anila, “are NOT SAFE for human consumption.”
Gayunman, ang mga isda, pusit, hipon at crab na mahuhuli mula sa mga nasabing lugar ay ligtas namang kainin subalit dapat na linising mabuti, at tanggalin ang kanilang mga laman-loob bago ito lutuin.
Commenti