ni Mai Ancheta @News | September 21, 2023
Inalerto ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko na mag-ingat sa pagkain ng shellfish dahil sa red tide sa walong lugar sa bansa.
Batay sa red tide alert na inilabas ng ahensiya nitong Miyerkules, positibo sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) ang nakuhang samples sa walong lugar at lagpas sa toxic red tide regulatory limit.
Kabilang sa mga baybaying natukoy na kontaminado ng red tide ay Sapian Bay; Panay; Pilar; President Roxas; Roxas City sa Capiz; Gigantes Islands sa Iloilo; Dauis at Tagbiliran City sa Bohol; Dumanquillass Bay sa Zamboanga del Sur.
Babala ng BFAR, lahat ng shellfish at alamang na nakukuha sa nabangit na mga lugar ay hindi ligtas kainin.
Ligtas namang kainin ang sariwang isda, pusit, hipon at talangka subalit kailangang alisin ang mga lamanloob at hugasang mabuti bago lutuin.
Ang mga sintomas ng nakakain ng may red tide toxins ay pagkahilo, pamamanhid ng
katawan, respiratory paralysis, tila napapaso ang pakiramdam at tingling sensation.
댓글