top of page
Search
BULGAR

Red Tide Alert

ni Mai Ancheta @News | July 13, 2023




Binalaan ang publiko laban sa epekto ng red tide sa karagatang sakop ng Bohol at Zamboanga del Sur.


Naglabas ng red tide warning ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources nitong Miyerkules matapos magpositibo sa red tide ang water sample na kinuha sa karagatang sakop ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol gayundin sa Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur.


Ang water sample ay nagtataglay ng Paralytic Shellfish Poison (PSP) o red tide toxin na lagpas sa pamantayan ng BFAR.


Hindi ligtas kainin ang lahat ng shellfish at alamang na nakukuha sa nabanggit na mga lugar dahil posibleng malagay sa panganib ang kalusugan.


Ang mga maaari lamang kainin habang may red tide ay isda, squid, hipon at alimasag subalit kailangang linisin at lutuing mabuti


0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page