ni BRT| June 4, 2023
Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nakataas pa rin ang red tide warning sa 5 baybayin sa bansa.
Sa inisyung shellfish bulletin no.14 ng ahensya, ipinagbabawal ang pagkolekta at pagkain ng mga shellfish mula sa mga baybayin ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, San Pedro Bay sa Samar, Dumanquilas Bay sa Zamboanga del Sur at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Ito ay matapos na lumabas na positibo sa paralytic shellfish poison (PSP) o nakalalasong red tide na lagpas sa regulatory limits ang samples mula sa nasabing mga baybayin.
Lahat ng shellfish at alamang na makukuha mula sa mga baybayin na ito ay hindi ligtas para sa human consumption.
Gayunman, ang ibang marine species gaya ng isda, pusit, hipon at alimango ay ligtas na kainin basta hugasang maigi at tanggalin ang hasang at bituka bago lutuin.
Comments