top of page
Search

Red Tide Alert

BULGAR

ni Lolet Abania | September 17, 2022



Apat na lugar sa bansa ang kinakitaan ng toxic red tide base sa nakolektang shellfish mula rito, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Biyernes.


Batay sa shellfish bulletin ng BFAR, ang mga apektadong lugar ay mga coastal waters ng Dauis at Tagbilaran sa Bohol; Matarinao Bay sa Eastern Samar; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.


Ayon sa BFAR, ang mga nakolektang shellfish mula sa mga naturang lugar ay natagpuang positibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide na lagpas pa sa regulatory limit.


“All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from the areas shown above are NOT SAFE for human consumption,” pahayag ng BFAR.


Gayunman, ligtas na kainin ang mga isda, pusit, hipon at crabs, subalit dapat na sariwa, hinugasang mabuti habang ang mga laman-loob nito ay naalis na bago lutuin.

0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page