ni Lolet Abania | October 22, 2021
Nakitaan sa ilang baybayin ng Visayas at Mindanao na positibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide, kung saan lumagpas sa regulatory limit nito, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ngayong Biyernes.
Sa pinaka-latest bulletin ng BFAR, ang lahat ng uri ng shellfish at alamang o krill ay hindi ligtas na kainin na matatagpuan sa mga sumusunod na baybayin:
• coastal areas ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol
• Carigara Bay at coastal waters ng Leyte
• Matarinao Bay sa Eastern Samar
• Villareal, Cambatutay, at San Pedro Bay sa Western Samar
• Lianga Bay sa Surigao del Sur
• Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur
Gayunman, ayon sa BFAR ang mga isda, pusit, hipon, at crabs o alimango ay ligtas namang kainin, subalit anila, “provided that they are fresh and washed thoroughly, and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking.”
Comments