ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 7, 2024
Sinabi ng Department of Interior and Local Government ngayong Linggo na itatatag nila ang isang recognition system na magmamasid, pipili, at magbibigay ng parangal sa pinakamalinis na mga barangay sa bansa.
Ayon sa DILG, ang inisyatibang ito ay katuwang sa direktiba ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. sa anyo ng 'Kalinga at Inisyatiba Para sa Malinis na Bayan' o ang KALINISAN Program.
Noong Sabado, pinangunahan ni Interior Secretary Benhur Abalos ang pambansang paglulunsad ng KALINISAN Program sa Baseco Compound sa Maynila.
Kaakibat nito, nanawagan si Abalos sa lahat ng local government units (LGUs) sa buong bansa na maglaan ng pondo para sa wastong solid waste management at ekolohikal na mga gawain, pati na rin ang pagsusulong sa mga lokal na otoridad na magpasa ng mga ordinansa na magtatakda ng parusa na community service para sa mga mahuhuling nagtatapon ng basura sa pampublikong lugar.
Comentários