top of page
Search
BULGAR

Reassignment o pag-transfer sa empleyado na isinasailalim sa imbestigasyon

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | September 19, 2023


Dear Chief Acosta,


Ang kaibigan ko na nagtatrabaho bilang kahera ay iniimbestigahan ng kumpanya dahil diumano sa nawawalang pera sa kanyang kustodiya. Inilipat siya bilang kahera sa malapit na branch habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon. Bakit pinarusahan agad ng paglipat ang kaibigan ko gayong patuloy pa rin ang nasabing imbestigasyon? - Patricia


Dear Patricia,


Ang sagot sa iyong katanungan ay tinalakay ng ating Kagalang-galang na Korte Suprema sa kasong “Constancia Duldulao. vs. The Court of Appeals, et. al.” (G.R. No. 164893, 1 March 2007), na isinulat ni Kagalang-galang na Kasamang Mahistrado Dante O. Tinga, kung saan nakasaad sa desisyon nito ang mga sumusunod:


“Petitioner argues that she was denied her right to due process when she was transferred to another department even before she was able to file her answer. Reassignments made by management pending investigation of irregularities allegedly committed by an employee fall within the ambit of management prerogative. The transfer, while incidental to the pending charges against the petitioner, was not meant to be a penalty, but rather a preventive measure to avoid further damage to the College of Law. It was not designed to be the culmination of the then on-going administrative case against petitioner. Hence, the order of transfer prior to the submission of her answer cannot be deemed a violation of her right to due process.


This Court has, in several instances, upheld reassignments/transfers pending investigations of the irregularities allegedly committed by employees, the rationale being that the purpose of reassignments is no different from that of a preventive suspension which management could validly impose as a measure of protection of the company’s property pending investigation of any malfeasance or misfeasance committed by the employee.”


Batay sa nabanggit na desisyon, ang paglipat na ginawa ng kumpanya habang nakabinbin ang imbestigasyon sa nawawalang pera na nasa kustodiya ng iyong kaibigan ay saklaw ng prerogatiba ng pamamahala. Ang layunin nito ay proteksyunan ang ari-arian ng kumpanya habang nakabinbin ang imbestigasyon ng anumang kamalian o maling gawain na ginawa ng empleyado nito. Hindi ito isang parusa kundi isang pamamaraan ng pagbibigay-proteksyon sa ari-arian ng kumpanya.

Samakatuwid, ang paglipat sa iyong kaibigan ay hindi ipinataw bilang parusa, ngunit sa halip ay isang hakbang upang maiwasan ang karagdagang pinsala sa kumpanya.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.




0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page