top of page
Search
BULGAR

“Really deep” na raw ang namamagitan sa kanila… ALDEN, UMAMING NASABI NA KAY KATHRYN ANG INTENSIYON NIYA

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Nov. 16, 2024



Photo: Kathryn at Alden - Instagram


Hindi nasagot nang diretso ni Alden Richards kung nanliligaw ba siya sa leading lady sa Hello, Love, Again (HLA) na si Kathryn Bernardo pero inamin niyang malalim na raw talaga ang kanilang relasyon.


Sa guesting ng aktor sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) last Wednesday ay tinanong siya ni King of Talk Boy Abunda kung nanliligaw ba siya kay Kathryn at hindi niya ito masagot ng “yes” or “no.”


Sa halip ay ipinaliwanag niya kung ano ang relasyon nila ng aktres.


“‘Yung meron po kami ni Kath ngayon, Tito Boy, is I should say really deep and since I got the chance to really know her now personally, ang dami ko pong nadi-discover sa kanya, our similarities and differences in how we view life. 


“And sobrang naa-appreciate ko po 'yung mga bagay na ino-open-up niya sa ‘kin and you know, welcoming me to her life, and of course the family, na-meet ko na rin po ‘yung family,” sabi ni Alden.


Inamin din niyang nagpupunta siya sa bahay nina Kath kung kaya rin lang ng kanyang oras at puring-puri nga niya ang pamilya ng aktres.


“Nakita ko po kung gaano ka-humble ‘yung family ni Kath. Pareho po kaming lumaki sa probinsiya. Ako po sa Laguna, s’ya po sa Nueva Ecija, Cabanatuan. 


“And I see how similar our families are in terms of how we see life, how we deal with you know, everyday, and ‘yung pagiging makatao po. Kung ano si Kath, ang laking factor ng family,” ani Alden.


Sobrang na-appreciate raw niya ang pagtrato sa kanya ng pamilya ni Kath at parang hindi raw siya ibang tao.


Nang tanungin ni Kuya Boy kung nasabi na ba niya kay Kathryn ang kanyang intension, “Opo,” ang sagot ng aktor.


Dagdag pa niya, “Siguro, sa ngayon po, ayoko pong madaliin kung anuman po ‘yung pinagdaraanan naming dalawa. I think she has all the time in the world now that she’s been able to try new things as well for herself.”


Ulit na tanong ni Kuya Boy, “Does she know your feelings?”

Sagot ni Alden, “I think so po, yes po.”


Tinanong din siya ng TV host kung ano ang papel ni Kathryn sa araw-araw niyang buhay.


“Well, right now po kasi, we are just, you know, very blessed with this opportunity that we have right now and you know, the friendship po that we have right now is deep and special and ang laking bagay po nu’n kasi mas nagagawa po namin nang tama ‘yung mga bagay na dapat naming gawin in terms of the film,” aniya.


Malaking factor din daw ang pagsu-shoot nila sa Canada para mas makilala niya nang husto si Kath.


“‘Yung the time that we had when we were shooting in Canada, mas nakilala ko s’ya and how I see a great deal of myself,” sey ng aktor.


 

INALMAHAN ng Star Cinema and GMA Pictures ang mga kumakalat na pirated copy ng Hello, Love, Again (HLA).


Diumano, ang mga pirated copies ay kinuha ng mga pirata sa naganap na premiere night ng pelikula last Tuesday.

Kahapon ay nag-release ng statement ang mga producers at nagbigay ng babala sa publiko.


“Mariing tinututulan ng mga producer ng HELLO, LOVE, AGAIN ang anumang uri ng pamimirata,” ang nakasaad sa joint statement ng Star Cinema at GMA Pictures.


“Patuloy ang aming team sa pagtanggal ng mga ilegal na kopya ng aming pelikula.


“Ang Star Cinema at GMA Pictures ay kasalukuyang gumagawa ng mga legal na aksyon laban sa mga indibidwal na nakikiisa sa anumang uri ng pagbebenta, pagpo-post, at pagse-share ng pelikula.


“Ang sinumang mapatunayang lumabag ay haharap sa parusang aabot ng siyam (9) na taong pagkakakulong at pagmumultahin ng hanggang isang milyon at limang daang libong piso (P1.5 million),” pahayag pa ng mga producers.


Sa kabila naman ng mga naglipanang pirated copies sa internet ay kasalukuyang

tumatabo nang bonggang-bongga sa takilya ang HLA.


Ayon sa ulat ay nag-gross ito ng P85 million on its first day last Wednesday. In two days ay kumita naman daw ang movie ng P155M.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page