ni Ambet Nabus @Let's See | January 28, 2024
Yes, sa mga napapanood naming video ng latest journey ni Heart Evangelista sa Paris, London ay tunay namang reyna kung ituring ito sa red carpet.
Talagang pinagkakaguluhan siya ng mga photographers, videographers at iba pang mahihilig sa fashion.
Pero ang pinakakuwela sa amin ay 'yung pinuri-puri ang kanyang aura at look nang magkatabi sila sa upuan ni Mina ng sikat na sikat na K-pop girl group na TWICE sa South Korea.
Paano kasi, para lang daw silang "twin sisters" at kahit kilala nating mas may-edad nang kung ilang taon si Heart kay Mina, ay napagkamalan nga silang magkapatid lang.
Well, talaga yatang pinaninindigan na ni Heart ang pagiging reyna niya ng fashion world.
Anyare na sa kanyang TV o movie career?
Comments