ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | November 18, 2020
Ang bulaklak ng kalabasa.
Maraming alagad ng sining, lalo na sa hanay ng panitikan o literature na ginamit ang kanilang mayamang imahinasyon tungkol sa mga bulaklak. Kumbaga, magagandang salita ang iniuugnay nila sa mga bulaklak.
Madalas, love life ang tema ng mga akdang sining. Madalas ding ipinakikita na ang bulaklak at babae ay parang iisa lang.
Halimbawa, ang mga salitang “A flower on the wall” ay tungkol sa magandang babae na ginawang dekorasyon sa dingding.
Maganda at romantiko ang agad na maiisip natin at may malalim ding kahulugan kapag sinuri dahil ang babaeng pandekorasyon lang ay masasabing “With beauty, but maybe without brain.”
Kumbaga, wala siyang karapatang magdesisyon dahil ang papel lang naman na kanyang ginagampanan sa kanyang pakikipagrelasyon ay for decorative purpose o pandispley lang.
Ito rin ang hidden meaning ng “A flower on the table,” isang magandang babae pero walang mahalagang responsabilidad sa kanyang love life kundi ang maging palamuti lang.
Pero sa mundo ng halamang gamot, may isang bulaklak na hindi lang ginagamit na pandekorasyon dahil ito ay may kakayahang lunasan ang ilang sakit o karamdaman, at ito ang bulaklak ng kalabasa.
Malabo ba ang iyong mga mata? Kumain ka ng bulaklak ng kalabasa dahil ayon mismo sa mga doktor, ito ay nagpapalinaw ng mga mata. Ito ay dahil ang bulaklak ng kalabasa ay mayaman sa Vitamin A.
Mahina ba ang iyong immune system? Madali ka bang dapuan ng mga karamdaman? Parang kulang ka ba sa lakas at parang walang sigla? Kumain ka ng bulaklak ng kalabasa. Sinasang-ayunan ng medical science na ang bulaklak ng kalabasa ay nagpapalakas ng immune system. Ito rin ay dahil sa Vitamin A na taglay ng bulaklak ng kalabasa.
Nahihilo ka ba? Madalas ka bang parang nalilito at hindi matatag ang pagkilos mo? Bulaklak ng kalabasa ang katapat ng pagkahilo mo dahil ito ay mayaman din sa mineral na iron.
Kumusta naman ang mga buto mo, may rayuma ka ba, sumasakit ba o namamaga ang mga kasukasuan mo? Bulaklak ng kalabasa ang sagot dito.
Maraming magagandang benepisyo ang makukuha sa pagkain ng bulaklak ng kalabasa at ayon sa mga huling pag-aaral, ito rin ay may malaking potensiyal bilang halamang gamot laban sa cancer.
Good luck!
Yorumlar