ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 05, 2021
Balik-pelikula na nga si Claudine Barretto at hindi lang isa kundi dalawa pang movies ang ginagawa niya ngayon under Borracho Films ng lawyer-turned movie producer na si Atty. Ferdinand Topacio.
May special participation si Clau sa Mamasapano movie (hango sa istorya ng SAF 44) na pagbibidahan nina Edu Manzano, JC de Vera, Gerald Santos, Aljur Abrenica at marami pang iba.
'Yung isang pelikula namang pagbibidahan ni Claudine ay malapit na ring magsimula ang shooting at sabi nga nina Atty. Ferdie at Ms. Aida Patana, posibleng sa Cebu kunan ang ilang eksena.
Nag-co-produce kasi ang beauty queen-businesswoman na si Ms. Aida sa pelikulang gagawin ni Claudine dahil kinuha niyang ambassadress ang aktres sa kanyang M Talent Agency sa Cebu, gayundin ang aktor na si Daniel Matsunaga na ambassador naman, kaya posible rin itong mabigyan ng role sa movie.
At dahil Cebu-based nga si Ms. Aida, naisip nilang du'n kunan ang ilang eksena ng movie ni Claudine dahil mas maluwag ang safety protocols du'n kumpara rito sa Metro Manila dahil sa taas ng kaso ng COVID-19.
Game na game naman si Claudine na mag-shoot sa Cebu pero pakiusap lang niya ay payagan siyang isama ang bunsong anak na 2 yrs. old pa lang dahil 'di raw nito kayang malayo sa kanya.
Samantala, natanong din namin si Claudine kung matutuloy pa ba ang movie na dapat ay comeback ng tambalan nila ni Piolo Pascual.
Paliwanag ng aktres, tuluyan na itong na-shelve dahil sa abroad dapat ang shooting nito. Pero dahil nga sa COVID pandemic, 'di na sila makakapag-shoot abroad.
Pero willing naman daw si Claudine anytime na may mag-produce ng movie nila ni Papa P. dahil napaka-special daw para sa kanya ni Piolo at kakaiba 'yung level of friendship nila.
In fact, naikuwento nga niyang minsan, sa recognition sa school ng isa sa mga anak niya, dahil wala si Raymart Santiago na kanyang estranged hubby, si Piolo raw ang tumayong ama at um-attend sa event.
Bongga naman, devah?!
Anyway, back to Mamasapano movie, sa May 13 to 15 na pala mag-uumpisa ang training ng major cast sa Special Action Forces (SAF) ng Philippine National Police.
Comments