top of page
Search
BULGAR

Ravena pambanat ng NXLeD sa PVL All-Filipino

ni GA @Sports | September 4, 2023



Handang-handa nang saluhin ni libero Dani Ravena ang mga atake at hambalos ng mga makakatunggali ng bagong sibol na koponang NXLed Chameleons na naghahandang maigi para sa paglahok sa panibagong kumperensya ng Premier Volleyball League (PVL) na All-Filipino Conference na sisimulan sa darating na Oktubre.


Ang Chameleons ang ikalawang koponan na pag-aari ng Carlson Group of Companies matapos buuin nito ang Akari Chargers, na inaasahang pagkukunan din ng mga manlalaro patungo sa bagong koponan, kung saan galing rin mismo si Ravena.


Bringing that fighting spirit to Nxled! Our first Chameleon is none other than fiery libero, Dani Ravena! Whatever it takes, wherever she goes, the former team captain of the Lady Eagles will give her 110% to win,” ayon sa kanilang Instagram account.


Wala pang pinal na listahan ng coaching staff ng koponan na sasalang sa unang pagkakataon bilang ika-10th koponan matapos mapabalitang magpapahinga muna ang Gerflor Defenders at Foton Tornadoes sa liga.


Matatandaang naging kauna-unahang liberong kapitana sa kasaysayan ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang 5-foot-5 na dating Ateneo Lady Blue Eagles, kung saan naging minsan na itong naging parte ng Ateneo-Motolite team na nakakuha ng second place sa 2018 Open Conference ng PVL.


Sunod na ipikilala si dating University of Santo Tomas Golden Tigresses at Akari spiker at middle blocker Camille Victoria bilang parte ng bagong koponan.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page