ni Lolet Abania | May 21, 2022
Iniimbestigahan na ng Department of Education (DepEd) sa ngayon ang hinihinalang food-borne diseases na nakuha ng mga estudyante dahil sa kontaminado umanong gatas na ipinamahagi sa mga paaralan sa Negros Oriental.
“The Department of Education (DepEd) is investigating a suspected food-borne illnesses involving elementary students in Sta. Catalina, Negros Oriental, due to alleged contaminated milk distributed in schools in the area under the School-Based Feeding Program (SBFP),” batay sa statement ng DepEd na nai-post sa Facebook.
Ayon sa DepEd, nakikipag-ugnayan na sila sa local government unit (LGU) ng Sta. Catalina, Negros Oriental, gayundin sa National Dairy Authority (NDA), at mga concerned agencies para sa imbestigasyon at analysis ng mga samples ng gatas.
Sa ulat, nasa tinatayang 100 estudyante sa Sta. Catalina, Negros Oriental ang naospital matapos na uminom ng fresh milk na nirarasyon mula sa DepEd. Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sinabi ng district supervisor ng munisipalidad na ang mga biktima ay nagsusuka habang isinugod ang ilan sa kanila sa ospital ilang oras matapos na maubos inumin ang gatas mula sa Negros Oriental School Division Office.
Gayunman, walang nai-report na nasawi sa insidente, ayon sa DepEd. “Based on the field report, majority of the affected learners experienced mild illnesses, including dehydration and nausea. They were treated in nearby hospitals and were discharged later on,” pahayag ng DepEd.
“Nonetheless, DepEd has facilitated the provision of immediate medical assistance to affected individuals and will continue to monitor their health status,” dagdag ng ahensiya.
Paliwanag ng DepEd, ang SBFP ay isa sa kanilang pangunahing inisyatibo at layong matugunan nito ang nararanasang gutom ng mga estudyante habang hinihikayat silang mag-enroll at mag-aral. Layon din ng programa na makapag-ambag sa pagpapabuti ng nutritional status ng mga estudyante, alinsunod sa Republic Act No. 11037 o ang
Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act. “DepEd, through the Bureau of Learner Support Services-School Health Division and concerned field offices, is committed to continue assisting the learners and their families. We will likewise look into possible actions against those responsible entities or individuals,” saad ng DepEd.
“The health and safety of our learners remain the utmost priority of the Department, and we will ensure that measures will be instituted to prevent occurrence of similar incidents,” sabi pa ng ahensiya.
Comments