top of page
Search
BULGAR

Rape victims, ‘wag daw piliting magsalita… CLAUDINE, TODO-SUPORTA KINA SANDRO AT GERALD

ni Nitz Miralles @Bida  | August 21, 2024



Showbiz News
Photo: Claudine, Gerald at Sandro Muhlach / Senate PH

Pinasalamatan ni Niño Muhlach si Claudine Barretto na nagpahayag ng kanyang suporta kay Sandro Muhlach. 


Sa isang live broadcast, nabanggit ni Claudine na barkada ni Marjorie Barretto sina Niño at Aga Muhlach. Pati si Gerald Santos, suportado rin ni Claudine ang ipinaglalaban nito. 

Sey ni Claudine, “Although grabe ‘yung pinagdaraanan nila, I’m just glad na lahat ‘to lumalabas para makamit ‘yung hustisyang kailangan nila.”


Sinundan ‘yun ng, “Again, I support Gerald, 100% percent. ‘Wag po nating kuwestiyunin kasi po ang tao na may pinagdaraanan na ganyan, ‘di ho agad-agad nagsasalita. ‘Pag namolestiya ka, na-sexual harass ka, hindi po agad-agad nagsasalita.”


Ini-repost ni Niño ang live broadcast ni Claudine at may caption na, “Thank you, Clau.”

Samantala, nag-share ng quotation card si Sandro sa Instagram (IG) Stories tungkol sa mga dumanas ng sexual abuse, “1 out of 6 Men are sexually assaulted or abused. You are not alone.”


Galing sa The Unsilent Survivor ang quotation na may nakasulat pa na, “We support ALL survivors in this house.”


May bagong post din si Sandro tungkol sa kanyang pinagdaraanan.

Pahayag niya, “What you did to me, it wrecked me. Hirap na hirap ako makatulog since it happened, anxiety and PTSDs are hard to beat. Everyday akong hina-haunt ng trauma ko.


“Ayoko mangyari sa iba ‘yung ginawa sa ‘kin. Kaya sinabi ko sa kapatid ko na sana, ‘wag mangyari sa kanya ‘yung nangyari sa ‘kin kasi hirap na hirap na ‘ko.


“Diring-diri pa rin ako sa sarili ko. Napakahirap tanggapin lahat ng ginawa sa ‘kin.


“I’m trying my best to be okay para hindi mag-alala ‘yung pamilya ko, lalo na ‘yung mommy ko na nasa America na araw-araw umiiyak dahil sinisisi n’ya ang sarili n’ya na malayo s’ya at ‘di ako maprotektahan. But the truth is, ‘di ako okay.


“Thank you to all my friends and family who always check up on me. I really appreciate it.


“Ang laban ko ay para rin sa lahat ng inabuso.


“The truth will prevail.”


Yes, tama ka d’yan.


 

Nanghihingi ng datung... 

SANYA, GINAMIT SA SCAM, NAGBABALA


Sanya Lopez

NAGBABALA ang Pulang Araw (PA) actress na si Sanya Lopez sa mga lalapitan ng isang scammer gamit ang kanyang pangalan. Humihingi ng donasyon ang scammer via a fake account with her name and photo para palabasing hindi fake ang account.


Ipinost ni Sanya ang screenshot ng palitan ng messages ng scammer at ang hinihingian nito ng donasyon, para raw sa mga Aeta sa Zambales ang hinihinging donasyon ng fake na Sanya.


Ini-repost ni Sanya ang screenshot ng profile ng fake Sanya at nilagyan ng aktres ng warning na “scam alert” May paalala pa siyang ‘wag maniniwala agad. 

Sey niya, “HINDI PO AKO ITO! Ingat po tayo.”  


Sa screenshot, mukhang naniwala ang kinontak ng fake Sanya at magme-message raw agad siya. Hopefully, hindi na-scam ang taong ‘yun. 


Payo pa ni Sanya, “Tawagan n’yo, i-video call n’yo, kailangan kamukhang-kamukha ko.”

Samantala, may mga kinikilig kina Sanya Lopez at Alden Richards sa PA bilang sina Teresita at Eduardo. Ibig sabihin, mahusay silang magpakilig dahil may mga nadadala sa kanilang mga eksena.


Bongga!


 

Tuloy-tuloy pa rin ang projects…

KATRINA, NAUNAHAN PA RAW SI JENNYLYN PUMIRMA NG KONTRATA 


Katrina Halili at Jennylyn Mercado

WINELCOME ng Sparkle GMA Artist Center si Katrina Halili na pumirma ng management contract. Nakasulat sa caption ang: “Welcome back, Katrina Halili! Sparkle GMA Artist Center is thrilled to have you back in the family.”


May mga nag-request ng bonggang contract signing ni Katrina, pero nakapirma na siya ng kontrata nang mag-request ang fan nito. 


As for Katrina, masaya na ito na muling nagtiwala sa kanya ang Sparkle at GMA Network.


In fairness, kahit noong hindi pa Sparkle GMA Artist Center ang may hawak kay Katrina, tuluy-tuloy ang project niya sa GMA-7. Kasama siya sa Black Rider (BR) at malaki ang kanyang role at sunod siyang mapapanood sa Mommy Dearest (MD) na drama serye tungkol sa mga nanay.


Ang isa sa mga hinihintay ng mga Kapuso fans na pumirma sa GMA Network ay si Jennylyn Mercado. 


Ine-expect ng mga fans nito na after ng bonggang contract signing ni Heart Evangelista, si Jennylyn na ang susunod, kaya lang, hindi pa rin siya pumipirma. 


Well, pinayapa nito ang Kapuso fans na mananatili siyang Kapuso at ibig sabihin, ‘wag siyang madaliing pumirma at may pag-uusap pa siguro ang GMA-7 at ang Aguila Entertainment na management company ng aktres.

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page