ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 5, 2023
Patay ang isang radio anchor nang barilin ng hindi nakilalang gunnman, habang isinasagawa ang isang live broadcast sa kanyang bahay sa Calamba, Misamis Occidental ngayong Linggo ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Juan Jumalon o "Johnny Walker", 57-anyos.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, alas-5:35 ng madaling-araw, nasa kanyang home-based radio station ang biktima at habang nasa kalagitnaan ng programa sa radyo sa 94.7 Calamba Gold FM ay binaril ito.
Dali-daling dinala sa Calamba District Hospital ang biktima ngunit namatay din dahil sa tama ng bala sa kanyang mukha.
Patuloy ang imbestigasyon upang madakip ang suspek at mabatid ang motibo sa krimen.
Comments