ni Lolet Abania | October 25, 2020
Itinanghal na kauna-unahang Miss Universe Philippines 2020 si Rabiya Mateo ng Iloilo City na ipinalabas sa telebisyon ngayong umaga.
Sinimulan ni Filipino-American singer Jessica Sanchez ang opening number habang ang mga kandidata ay rumarampa sa stage sa kanilang glittery dresses.
Si KC Montero ang nagsilbing host sa kauna-unahang Miss Universe pageant sa bansa.
Kabilang sa mga listahan ng judges para sa Miss Universe finals ay sina Presidential Spokesperson Harry Roque, Miss Universe 2012 1st runner up Janine Tugonon, Miss Universe 2013 3rd runner-up Ariella Arida, Cong. Eric Yap at Baguio First Lady Arlene Magalong. Ang iba pang kasamang hurado ay sina Jackie Aquino, Samuel Salonga Versoza Jr., Raymond delos Santos, Venus Navalta at Arthur Peña.
Mula sa 46 na kandidata na sumali, pumili ng 16 na naglaban sa Long Gown at Best of Swimsuit. Ito ay sina Biliran- Skelly Florida, Albay- Paula Ortega, Bohol- Pauline Amelinckx, Aklan- Christelle Abello, Iloilo- Rabiya Mateo, Cebu- Tracy Maureen Perez, Davao City- Alaiza Malinao, Cavite - Billie Hakenson, Cebu province Apriel Smith, Misamis Oriental - Caroline Veronilla, Mandaue- Lou Piczon, Taguig- Sandra Lemonon, Quezon City- Michelle Gumabao, Romblon- Marie Fee Tajaran, Pasig City- Riana Pangindian at Paranaque- Ysabella Ysmael.
Sa 16 na kandidata, nakapili ng 5 ang mga judges at ito ay sina Quezon City- Michele Gumabao, Cavite- Kimberly Hakenson, Bohol- Pauline Amelinckx, Iloilo City - Rabiya Mateo, Paranaque - Ysabella Ysmael.
Matapos ang Question and Answer portion, ang naging Fourth runner-up ay si Miss Cavite, Third runner-up si Miss Bohol, Second runner-up si Miss Quezon City at First runner-up si Miss Paranaque. Ang nanalong kauna-unahang Miss Universe Philippines 2020 ay si Miss Iloilo City Rabiya Mateo.
Samantala, si Miss Batanes Jan Alexis Elcano ang nagwagi ng "Best in Tourism" award sa Miss Universe Philippines 2020 pageant.
Comments