ni Nitz Miralles - @Bida | September 30, 2022
Muling nagkita ang mag-ex na sina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo nang mag-guest ang aktor at si Yasmien Kurdi sa TiktoClock noong September 28 para i-promote ang Start-Up PH na kinabibilangan ni Jeric. Kasama niyang nag-guest si Yasmien Kurdi na kasama rin sa series.
Siyempre, nagkatuksuhan sa studio, lalo na nang pinaghawak ni Pokwang ang mga kamay nina Rabiya at Jeric at tinanong pa kung ano ang message nila sa isa’t isa.
Nagbiro si Jeric na parang nag-iinit ang kanyang kamay at winelcome naman siya ni Rabiya sa TiktoClock.
Lalo pang nagsigawan ang studio audience at nadoble ang kanilang kilig nang muling mag-holding hands ang dalawa sa request na rin ng audience at nauwi sa yakapan ang eksena ng mag-ex.
Kung may relasyon pa sina Jeric at Rabiya, tiyak na magiging proud ang beauty queen sa BF dahil sa big role nito sa Start-Up PH at sa husay na ipinakita sa pagganap sa role ni Dave Navarro na isang genius computer engineer.
Commentaires