ni Jenny Rose Albason @Life & Style | June 30, 2023
Kung mayroon kang sensitive tummy, malamang ikaw ay prone sa stress. Lalo na pag-summer, gustung-gusto natin ipakita ang ating midriff gamit ang bikini o crop top. Kahit gaano pa natin i-empower ang lahat ng kababaihan tungkol sa iba’t ibang shapes at sizes, mahirap pa ring ipagmalaki ang ating tiyan kung hindi ka confident!
So, paano nga ba natin malalaman kung tayo ay bloated? Mayroon itong mga karaniwang sanhi tulad ng constipation, fluid retention, o gas, ang iba pang alarming factors na maaaring magdulot ng paglaki ng tiyan — gaya ng iyong mga kinakain, lifestyle choices, o underlying health issues.
Ayon kay Dr. Paolo, ang bloated ay ang pakiramdam na pagkabusog. Maaari ka ring makaramdam ng abdominal pressure o isang distended abdomen. Ang iba pang may kinalaman dito ay ang mga motility disorder kung saan ang bituka ay gumagalaw nang mas mabagal kaysa sa iba.
MAY MGA TAO BANG PRONE SA PAGIGING BLOATED?
Alam niyo ba , besh? Ang pagiging bloated ay karaniwan sa mga babae kaysa sa mga lalaki? Isa rin itong karaniwang side effect sa mga taong may mga dati nang kondisyon ng digestive tulad ng inflammatory bowel disease (IBD), irritable bowel syndrome (IBS), o chronic constipation.
Napapansin din ng ibang kababaihan na ang kanilang pagiging bloated ay senyales na sila’y magkakaroon na ng buwanang regla. Ang mga babaeng ito ay nakakaranas ng abdominal bloating.
PAANO MAIIWASAN ANG PAGIGING BLOATED?
Kung ang pagiging bloated ay sanhi ng diet o alkohol, maaari mong maiwasan ito sa pamamagitan ng paggawa ng ilang lifestyle changes. Narito ang ilang mahusay na paraan para mabago ito.
1. EAT ENOUGH FIBER. Kung hindi ka nakakakuha ng sapat na fiber sa iyong pagda-diet, dapat ay magsimula ka ng paunti-unti upang hindi ma-overwhelm ang iyong system.
Ang fiber ay magdudulot ng mas maraming gas, ngunit sa sandaling magsimula itong linisin ang iyong digestive system, makakatulong ito na alisin ang naka-stuck na dumi ro’n. At ang fiber ay isang prebiotic na makakatulong sa pag-promote ng good bacteria sa ating bituka.
2. DRINK ENOUGH WATER. Ito ay maghihikayat sa motility ng iyong digestive tract at pinipigilan din nito ang iyong natunaw na pagkain mula sa pagiging matigas kapag dinumi. Nakakatulong din ang tubig upang tayo’y mabusog.
3. GET SOME EXERCISE. Makakatulong ang pag-e-ehersisyo na maiwasan ang water retention at pinapanatili ang paggalaw ng ating bituka. Bilang karagdagan, maaari itong makatulong sa pag-iwas sa mabilis na pagtaas ng timbang na madalas ay dumidiretso sa iyong tiyan.
4. AVOID PROCESSED FOODS. Ang mga processed foods ay mababa sa fiber at mataas sa salt at fat. Ang maaalat na pagkain ay nagdudulot ng water retention, habang ang fats naman ay pinapabagal ang digestive process dahil ito ay mas matagal matunaw. Ang lahat ng ito ay maaaring magdulot ng constipation at bloating. Ang mga processed foods ay mababa sa nutrition, kaya magdudulot pa rin ito ng pagkagutom kahit na ikaw ay naka-consumed na ng maraming calories.
5. PRACTICE MINDFUL EATING. Nguyain mabuti ang iyong pagkain at huminto bago pa man ikaw ay mabusog. Ang pagkabusog ay isang delayed reaction dahil ang pagkaing iyong kinain ay matagal bago makarating sa iyong tiyan.
KAILAN DAPAT HINDI BALEWALAIN ANG PAGIGING BLOATED?
Bagama't ang bloated na tiyan ay isang pangkaraniwang sintomas na hindi naman delikado, maaari rin itong humantong sa mas seryosong kondisyon.
Ang bloated na tiyan ay tumatagal ng higit sa dalawang linggo pagkatapos uminom ng mga gamot, pagbaba ng timbang, maputlang balat, pagkawala ng gana kumain at paninilaw ng balat ay maaaring mga sintomas ng cancer. Kaya ‘wag balewalain ang pagiging bloated.
Kaya mga ka-BULGAR, kung nakakaranas ka rin ng bloated tummy, i-take mo itong advice upang hindi mapunta sa mas delikadong kondisyon. Kung gusto mo namang sumeksi, sundin mo lang ang mga payong ibinigay sa taas, at tiyak na lalabas din ‘yang ‘abs’ mo! Okie?
Comments