ni GA @Sports | January 27, 2024
Photo : UAAP / FB
Mabilis na napansin ng National Basketball Association (NBA) ang kahusayan at kakayanan ni reigning University Athletic Association of the Philippines (UAAP) MVP Kevin Quiambao matapos itong imbitahan ng New York Knicks na magpasikat sa susunod na 2024 Summer League na siyang magiging daan upang maging kauna-unahang purong Filipino na makapasok sa pinakamataas na estado sa larangan ng basketball.
Ito’y makaraang ihayag ni Miguel Rocha, head ng PR ng Strong Group Athletics, ang magandang balita sa kanyang social media account matapos ang mahusay na pagpapakita ng laro ng 6-foot-8 forward sa ginaganap na 33rd Dubai International Basketball Championship, kung saan patuloy na malinis ang kanilang kartada sa 5-0 patungo sa quarterfinal round.
“And I confirm [that] he did get offered to play for the Summer League. Yes, he did. He got offered to play in the Summer League, but there is no decision yet. No, decision for Kevin Quiambao. What matters is he got offered by New York to try out in the Summer League. And that’s already a big plus, already a big win for Philippine basketball considering na we were trying to get the first Filipino, pure blooded Filipino into the NBA. And it all starts there,” wika ni Rocha sa isang report.
Kasunod ng matinding alok sa 22-anyos na Rookie of the Year awardee ng UAAP noong 2022 para sa De La Salle University Green Archers, na kanyang tinulungan na makuha ang ika-10 kampeonato sa nagdaang season, mula sa bansang United Arab Emirates na maging naturalized player dulot ng pagbuhat sa Philippine squad kahit na mayroong apat na mahuhusay na imports.
Sinabi ni Rocha na bukod sa alok ng UAE ay napanood din ito ng mga scout mula sa Knicks, kung saan inalok na rin itong ipakita pa ang potensyal sa Summer League.
header.all-comments