ni Eli San Miguel @K-Buzz | September 10, 2024
Nanalo ng Outstanding Korean Drama award ang hit series na ‘Queen of Tears,’ kasama ang ‘Moving,’ sa Seoul International Drama Awards 2024. Noong Setyembre 9, inihayag ng Seoul Drama Awards Organizing Committee, na pinamumunuan ni Bang Moon-shin, ang mga nagwagi sa patimpalak.
Mayroong 346 na entries mula sa 48 bansa at rehiyon na isinumite ngayong taon, ang pinakamataas sa kasaysayan ng SDA. Ang “Queen of Tears” ng Studio Dragon ay pinagbidahan nina Kim Soo-hyun at Kim Ji-won, habang ang “Moving” mula sa Disney+ ay pinangunahan nina Han Hyo-joo, Zo In-sung, Ryu Seung-ryong, Lee Jung-ha, Cha Tae-hyun, Ryoo Seung-bum, Kim Sung-kyun, Go Youn-jung, at Kim Do-hoon.
Matatandaang napabilang ang 'Queen of Tears' sa Top 10 chart sa loob ng 13 magkakasunod na linggo at lumampas na sa kabuuang viewing hours na 600 milyong oras (617.8 milyong oras). Naging matunog din ito sa social media, lalo na sa mga Pinoy celebrities na todo-post noong umeere pa ang naturang K-Drama.
Kommentare