ni Nitz Miralles @Bida | Oct. 24, 2024
Trailer pa lang ang napapanood ni Vice Ganda sa 2024 MMFF entry niyang And The Breadwinner Is… (ATBI) dahil hindi siya pinayagang mapanood ang sarili niyang pelikula.
“First time ko gumawa ng pelikula na hindi ipina-preview sa ‘kin. Regalo raw nila sa akin sa Pasko, ‘di nila ipina-preview. Gusto nila na mapanood ko sa premiere night dahil 'Ito ang regalo namin sa 'yo,'” sabi ni Vice na ang tinukoy yata ay ang Star Cinema at The IdeaFirst na producers ng movie.
Sa direction ni Jun Lana, siniguro nito na maraming bago at kakaibang ginawa si Vice sa movie, acting at mga eksena na ikatutuwa ng kanyang mga fans.
Ang mga fans nga ni Vice, trailer pa lang, gusto na ang movie at nakadagdag pa sa ganda ang soundtrack at may mga naiyak pa nang marinig ang song na MAPA ng SB19.
Mababasa ang mga comments sa Instagram (IG) ni Vice:
“Looking forward to watch this.”
“MAPA by SB19 for a Vice Ganda movie??? OMG seated.”
“The Queen of MMFF is back!”
“It’s giving me! We are all seated for you, Queen of MMFF.”
Sa harap ng mga dumalo sa announcement ng natitirang five official entries sa 2024 at 50th MMFF, nangako ng suporta si Vice. Magpo-promote siya ng kanyang movie at kasama na ang ibang entries, hindi lang sa Metro Manila, pati na sa mga probinsiya.
Sabi nito, “Kaisa ako ng Metro Manila Filmfest. At hindi naman sa pagmamalaki, pero hindi siguro ako masisilipan at sasabihin nila na hindi ako tumulong sa pagpo-promote ng festival. Hindi lang ng pelikula ko, pero ng buong festival. Kung ano ang ginagawa ko noon, baka dagdagan ko pa. Kumbaga familiar effort but different atake.”
FACEBOOK (FB) post ni Arjo Atayde: “Thank you for choosing us to be part of the 50th Metro Manila Film Festival (MMFF). Topakk.”
Hindi pa man naipapalabas, marami na ang nag-congratulate kay Arjo at sa napanood naming trailer at sa kagaya naming favorite ang action film, panalo ang Topakk.
Magugustuhan siya ng mga moviegoers na ang hanap ay action movies. Ang lalaki ng action scenes ng pelikula sa direction ni Richard Somes.
Wala si Arjo sa announcement ng second batch ng official entries ng 50th MMFF, ang mom niyang si Sylvia Sanchez ang tumanggap ng certificate.
Sa speech nito, nabanggit na kung pinalakpakan sa 78th Cannes Film Festival at Locarno Film Festival ang pelikula, papalakpak din ang Pinoy moviegoers kapag napanood na ang Topakk simula sa December 25, 2024.
Samantala, very proud si Sylvia kay Arjo dahil may free dialysis na ang mga constituents nito sa District 1 ng Quezon City.
Mensahe niya sa anak, “Distrito Uno, may libreng DIALYSIS na po tayo 6 Rd 12, Project 8, Brgy. Bahay Toro, Quezon City. Napaiyak at napapa-proud ako sobra sa ‘yo, Nak @arjoatayde. Maraming salamat sa proyektong ito!!! Iba ka magmahal @Congressman Arjo Atayde.”
ANG sweet nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega sa terms of endearment nilang “My Miguelito” at “My Maria”.
But of course, mababago pa ito at mas magiging sweet kapag lumalim pa ang kanilang relasyon.
Galing sa Japan ang dalawa para sa premiere ng Voltes V: The Legacy (VVTL) at nakapag-bonding na naman.
Kahit marami silang kasama, they find time to have “their time”. Kahit nga kasama nila sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose sa pamamasyal sa Tokyo Disney Sea, makikitang may moment pa rin silang dalawa. Nakapag-bonding ang dalawa at siguro naman, napag-usapan ang tungkol sa kanila.
Anyway, sa last birthday ni Miguel noong September 21, ticket para sa concert ng The Script Band ang birthday gift sa kanya ni Ysabel. Siguro naman, ang pinakamahal na tiket (P10 thousand) ang binili ni Ysabel para sa kanyang “Miguelito”. Baka nga silang dalawa ang magka-date sa concert ng banda sa Araneta Coliseum sa February 2025.
Comments