@Editorial | August 29, 2020
Limang security personnel sa NAIA Terminal 3 ang inireklamo ng pangongotong ng isang banyaga.
Base sa impormasyon, noong Agosto 14 nang magmadaling pumasok ang isang foreigner sa nasabing terminal para habulin ang kanyang flight papuntang Malaysia.
Gayunman, hinarang umano siya ng isang security at iginiit na ipinatutupad nila ang ‘No Quarantine Pass, No Entry’ at agad umano itong humingi na lang ng ‘tip’.
Binigyan naman umano siya ng banyaga ng halagang P3, 000 at kasunod nito ay hinarang siya ng apat pang guwardiya na nanghingi rin daw ng lagay at binigyan naman daw sila ng P2, 000 para hindi na maabala.
Pero, nakansela ang biyahe ng biktima kaya nagawa nitong isumbong ang ginawa sa kanya ng limang security personnel.
Bagama’t, patuloy ang imbestigasyon sa nasabing reklamo, mga iba na tila hindi na nagulat sa ganitong raket na nangyayari sa airport. Ano pa ba raw ang hindi kayang gawin ng mga taong sagad na sa buto ang kawalanghiyaan? Tipong lahat na ng puwedeng pasuking raket ay ginagawa na nila kahit pa masama at magpapabagsak hindi lang sa kanilang sarili kundi sa lahi ng Pinoy.
Nakadidismaya na sa kabila ng dinaranas nating pandemya may ilan na nagagawa pa ring mangotong at manlamang ng kapwa. Mahiya naman kayo!
תגובות