ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 29, 2021
Nakatakdang ianunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte mamayang gabi ang ipapatupad na quarantine classifications sa bansa simula sa April 5 hanggang 30, ayon sa Malacañang.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, dadalo muna si P-Duterte sa turnover ceremony para sa 1 milyon doses ng Sinovac COVID-19 vaccine mula sa China bago ang kanyang regular na “Talk to People” speech.
Inaasahan ding magiging bahagi ng pahayag ni P-Duterte ang tungkol sa ayuda o financial aid para sa mga naapektuhan ng implementasyon ng enhanced community quarantine (ECQ).
Pahayag ni Roque, “Inaasahan natin na sa ‘Talk to the People', maisasapinal na ‘yung quarantine classification simula April 5 hanggang katapusan sa Abril at saka ‘yung issue ng assistance sa gobyerno [dahil sa ECQ].”
Ang mga lugar na isinailalim sa ECQ ay ang Metro Manila, Rizal, Laguna, Bulacan, at Cavite simula ngayong Lunes dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19.
Comments