ni Mary Gutierrez Almirañez | March 7, 2021
Isinagawa ang kauna-unahang vaccination rollout ng AstraZeneca COVID-19 vaccines sa labas ng Metro Manila kung saan si Vice-Chairman Dr. Edwin Mercado ang unang tinurukan sa Qualimed Hospital sa Sta. Rosa, Laguna kaninang umaga, Marso 7.
Batay sa ulat, ito rin ang unang ospital na nakatanggap ng AstraZeneca mula sa labas ng Metro Manila habang pangatlo naman sa mga referral hospitals.
Tinatayang 150 doses ng AstraZeneca at 300 doses ng Sinovac ang natanggap ng nasabing ospital mula sa Department of Health (DOH).
Kabilang sa mga dumalo sa vaccination program ay sina Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. at si Testing Czar Vince Dizon.
Ayon naman sa presidente ng ospital na si Paolo Borromeo, halos 378 na healthcare workers ng ospital ang pumapayag na magpabakuna kontra COVID-19 gamit ang kahit anong brand ng bakuna. Mamayang gabi ay inaasahan ang pagdating ng karagdang 38,400 doses ng AstraZeneca sa bansa.
Comments