ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 22, 2021
Niyanig ng magnitude 7.3 na lindol ang Qinghai province sa China ngayong Sabado, ayon sa US Geological Survey, matapos ang magnitude 6.1 na tumama sa Yunnan province noong Biyernes kung saan 2 ang kumpirmadong patay.
Naitala ang episentro ng lindol sa Qinghai na tumama kaninang alas-2:04 AM, sa 10 kilometers southwest ng Xining, ayon sa USGS.
Ayon naman sa tala ng German Research Center for Geosciences, ang naturang lindol ay magnitude 7.4.
Samantala, wala pang iniulat ang awtoridad na naiwang pinsala o sugatan sa insidente.
Comments