top of page
Search
BULGAR

QCPD, naghain ng reklamo vs Manibela

ni Angela Fernando @News | May 11, 2024


Nagpahayag ang Quezon City Police District (QCPD) nitong Sabado na nagsampa sila ng reklamo laban sa opisyal na transport group na Samahang Manibela Mananakay at Nagkaisang Terminal ng Transportasyon o mas kilala bilang Manibela dahil sa kanilang ginanap na protesta nu'ng Mayo 6 laban sa Public Utility Vehicle Modernization Program.


Ang reklamo ng QCPD ay isinampa laban sa chairperson ng Manibela na si Mar Valbuena at dalawang iba pa.


Iginiit ng QCPD sa kanilang reklamo na Valbuena at ang dalawa pang kasamahan ay nagdulot ng abala sa publiko dahil sa dinaos na rally sa labas ng Batasang Pambansa sa Quezon City nang walang permiso mula sa lokal na pamahalaan.

0 comments

Recent Posts

See All

Bình luận


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page