top of page
Search
BULGAR

QC, nagsagawa ng 'Walk for Change’ para sa World Diabetes Day

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 11, 2023




Nakilahok ang Quezon City sa Global Diabetes Walk na may temang 'Walk for Change,' alinsunod sa paggunita ng World Diabetes Day (WDD), ngayong ika-11 ng Nobyembre.


Nakipagtulungan ang lokal na pamahalaan ng QC sa Novo Nordisk Philippines, Royal Danish Embassy Manila, South Star Drug, at iba pang medical organizations, na pangunahan ang Global Diabetes Walk sa Pilipinas na idinaos sa Quezon City Hall Grounds, Risen Garden.


Itinuturing na global initiative ang Global Diabetes Walk upang palawakin ang kaalaman sa diabetes at itaguyod ang malusog na pamumuhay.


Nagbibigay din ito ng pagkakataon para bumuo ng koneksyon sa komunidad at ipahayag ang suporta para sa mga apektado ng nasabing kondisyon.


Tiniyak naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na lahat ay kasama sa healthcare initiatives ng lungsod.


"Our dedicated Quezon City Health Department is the frontline for public health, taking concrete steps not only in diabetes prevention but also in detection, screening, and treatment. With 66 health centers providing free medicines for indigent citizens dealing with high blood pressure, hypertension, diabetes, and high cholesterol, we ensure that no one is left behind in their healthcare journey," pahayag ni Balmonte.


Ipinagdiriwang ang World Diabetes Day tuwing Nobyembre 14 kada taon.


0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page