ni Jasmin Joy Evangelista | January 29, 2022
Pinalawig ng Quezon City Government ang validity ng business permits at ancillary clearances ng anim na buwan o hanggang July 20, 2022.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, nag-issue ang lokal na pamahalaan ng Ordinance No. SP-3084 na nag-e-extend ng validity ng Sanitary Permits, Environmental Clearances, Tourism Accreditation Certificates, DPOS Security Clearances, Traffic Clearances, Liquor Permits, Market Clearances/Certificates, at Veterinary Clearances na dapat sana ay mae-expire na sa January 20.
Ang mga permit at clearance na mag-e-expire matapos ang July 20, 2022, pero bago ang October 20, 2022, ay extended din.
Ayon pa kay Belmonte, inaprubahan ng City Council sa pangunguna ni Vice Mayor Gian Sotto ang bagong ordinansang ito bilang konsiderasyon sa SP-3067- S-2021 na siyang unang nag-extend ng deadline para naman sa pagbabayad ng business taxes, fees, at charges mula January 20, 2022 (First Quarter) at March 20, 2022 (Second Quarter) hanggang July 20, 2022 (Third Quarter).
Sinabi rin ng alkalde na ang extension ng tax payment deadline ay isang manipestasyon na ang city government ay nauunawaan ang mga negosyante matapos ang higit dalawang taon ng mga lockdown na ipinatupad ng national government dahil sa COVID-19 pandemic.
Comments