ni Gerard Arce @Sports | March 15, 2024
Mga laro bukas (Sabado) (Sta. Rosa Sports Complex, Laguna)
2:00 n.h. – Chery Tiggo vs Creamline
4:00 n.h. – Galeries vs Capital1
6:00 n.g. – NXLed vs Akari
Ikinarga ng Petro Gazz Angels ang kanilang ikatlong sunod na panalo kasunod ng mataas na lipad ni Brooke Van Sickle upang walisin ang Farm Fresh Foxies sa pamamagitan ng 25-21, 27-25, 25-19 straight set, kahapon, sa unang handog ng mga laro sa 2024 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.
Pinunuan ng husto ng Filipino-American spiker ang puntosan ng Petro Gazz sa nilikhang 26 puntos mula sa 20 atake, tatlong blocks and tatlong aces, kasama ang siyam na excellent digs, habang bumida bilang best player of the game si Jonah Sabete na lumikha ng 11pts mula sa siyam kills at dalawang blocks.
“Anlaki ng tiwala niya (coach Koji) kahit sobrang bagal ng start ko, kaya nung third set pag-start ko, tinanong niya ako kung ‘if you can? Inako ko na I can. So yun, nakukulangan ako sa sarili ko, pero yung team work namin masyadong matibay talaga,” pahayag ni Sabete matapos ang laro, upang masundan ang italong straight set na panalo kontra sa PLDT High Speed Hitters at Akari Chargers.
“Siguro forte lang namin ang maghabol, kailangan naming makadikit hanggang mahabol namin yung laro,” dagdag ni 30-anyos na tubong Kabankalan City, Negros Occidental spiker.
Bahagya namang nakapag-ambag para sa Petro Gazz si Mary Reny Joy Palma sa anim puntos at Mary Joy Dacoron sa limang puntos na sunod na makakalaban ang Chery Tiggo Crossovers sa Marso 21 sa ikalawang laro sa alas-6:00 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Comments