top of page
Search
BULGAR

Puwede bang palit-pera ang leave benefits ng kasambahay?

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Enero 10, 2024

 

Dear Chief Acosta,


Isa sa mga benepisyo ko bilang kasambahay ay limang araw na may bayad na bakasyon. Maaari ko bang maipon ito at pilitin ang amo ko na palitan ito ng pera? - Vangie


Dear Vangie,


Para sa iyong kaalaman, ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 29 ng Republic Act No. 10361 o mas kilala sa tawag na “Domestic Workers Act” o “Batas Kasambahay,” kung saan nakasaad na:

 

Section 29. Leave Benefits. – A domestic worker who has rendered at least one (1) year of service shall be entitled to an annual service incentive leave of five (5) days with pay; Provided, That any unused portion of said annual leave shall not be cumulative or carried over to the succeeding years. Unused leaves shall not be convertible to cash. 

 

Malinaw na nakasaad sa batas na ang isang kasambahay na nakapagbigay ng hindi bababa sa isang taong serbisyo ay may karapatan sa taunang service incentive leave na limang araw na may bayad. Ang anumang hindi nagamit na bahagi ng nasabing leave ay hindi maaaring ipunin o dalhin sa susunod na taon. Dagdag dito, ang mga hindi nagamit na leave ay hindi maaaring mapalitan ng pera.


Batay sa nasabing batas, hindi mo maaaring maipon ang iyong service incentive leave at hindi mo mapipilit ang iyong amo na palitan ito ng pera. Maaari mo lamang gamitin ang iyong service incentive leave sa parehong taon na ito ay iyong nakuha. Kung hindi mo ito magamit, mawawalang-bisa o mapo-forfeit ito.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.




0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page