ni Jeff Tumbado | June 3, 2023
Ipinauubaya ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga magpaparehistro ng pampublikong sasakyan kung anong insurance provider ang nais nitong tangkilikin.
Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, mahigpit na susundin ng ahensya ang mga alituntunin ng Department of Transportation (DOTr) Department Order (DO) 2018-020, o ang "Revised Guidelines on Mandatory Insurance Policies for Motor Vehicles and
Personal Passenger Accident Insurance (PPAI) for Public Utility Vehicles".
Tinukoy ni Guadiz ang nasasaad sa Section 3 ng DO 2018-020 na ang mga aplikante ay malayang makapipili at kumuha ng Insurance Policies mula sa ano mang kuwalipikadong insurer at ang lahat ng insurance premium ay istriktong babayaran sa mga opisina o authorized collection sites ng qualified insurers.
“The instruction is to only accept PPAI policy from insurance providers duly accredited by the Insurance Commission. As regards Third-Party Liability (TPL) insurance policy, operators are free to choose and secure the same from any insurance company accredited by the Insurance Commission,” paliwanag ni Guadiz.
Pinabulaanan din ni Guadiz ang napaulat na umano'y plano ng LTFRB na magdagdag ng insurance provider na pagpipilian ng mga aplikante ng pampublikong sasakyan.
Tanging ang Insurance Commission lamang at hindi ang LTFRB ang may hurisdiksyon na mag-accredit ng mga bagong kumpanya ng insurance na maaaring pagpilian ng mga aplikante
Comments