top of page
Search
BULGAR

Putol-kuryente sa gitna ng pandemya, pag-isipan muna

@Editorial | May 20, 2021



Sa tindi ng init ng panahon, nakadagdag pa umano ang balitang magpuputulan na ng kuryente.

Kaya ang panawagan ng marami, huwag naman sa gitna ng pandemya.


May mga mambabatas na humiling na rin na kung maaari ay habaan pa hanggang anim na buwan ang no disconnection period.


Dapat umanong ikonsidera na kagagaling lang ng mga consumers sa ‘hard lockdown’ at hindi pa natatapos ang mahigpit na restrictions na ipinatutupad kahit bahagyang niluwagan na sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).


Siguro naman ang extension ng ‘no disconnection period’ ay hindi mangangahulugan o magreresulta sa pagkalugi ng kumpanya.


Ang anim na buwang palugit ay sapat nang panahon sa mga consumers, lalo na sa mga walang-wala talaga para mabayaran ang kanilang bill sa kuryente.


Batid naman nating marami ang nawalan ng trabaho at hirap makahanap ng panggastos para sa araw-araw na pangangailangan.


Napag-alamang kahit lockdown noong nakaraang taon ay nagawa pa rin ng kumpanya ng kuryente na kumita ng P21.71 bilyon, kaya hindi umano ito malulugi sa pagpapalawig ng ‘no disconnection period’.


Sa ganitong panahon, sana’y mangibabaw ang pang-unawa lalo na sa mga hirap talaga. Ang pakiusap naman sa publiko, magtipid at kung medyo may pambayad, kahit kaunti ay hulug-hulugan na rin ang bill para hindi matambakan.


Talagang kailangang maging madiskarte lalo na sa pagtitipid at pagba-budget.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page