ni Janiz Navida @Showbiz Special | Feb. 7, 2025
Photo: Vice Ganda - IG
Ang bongga-bongga ng Santé Barley dahil pagkatapos makuhang endorser sina Kuya Kim Atienza at Bossing Vic Sotto, si Vice Ganda naman ang bagong ini-launch na ambassador ng produkto last Feb. 2 sa well-attended big event sa World Trade Center.
No questions asked naman kung bakit si Vice Ganda ang kinuhang endorser ng Santé Barley, dahil bukod sa pagiging sikat na sikat pa rin nito (proof na No. 1 pa rin sa takilya ang last MMFF entry niyang And The Breadwinner Is…), advocacy na rin ni Vice na alagaan ang kalusugan lalo na’t aminado siyang marami na ring nararamdaman sa kanyang katawan habang nagkakaedad.
At dahil “#LiveForMore” nga ang tagline ng Santé Barley, ani Vice, gusto niyang mabuhay pa nang mahabang-mahaba para sa kanyang pamilya, kaya ganu’n na lang siya ka-health conscious ngayon at daily nga umiinom ng barley, na ipinaiinom na rin daw niya sa kanyang ina.
Ang “hugot” lang ni Vice na inamin niya sa kanyang vlog recently, malaking hamon sa kanya ang pagbibigay ng quality time sa kanyang pamilya, dahil feeling niya, dahil sa sunud-sunod pa rin niyang proyekto at trabaho, hindi niya alam kung kelan talaga siya titigil para mabigyan ng sapat na oras ang kanyang mga mahal sa buhay.
“Bukod sa napaka-stressful ng showbiz industry, bukod sa nakakapagod ‘yung trabaho namin physically, mentally, and emotionally, isa sa pinakamalaking hamon na hinaharap ko sa pagiging Vice Ganda, eh, ‘yung knowing when to stop for a while. ‘Yun ang isa sa mga pinakamahirap na hamon na hinaharap ko magmula nu’ng nag-Showtime ako, magmula nu’ng naging si Vice Ganda ako sa showbiz. Hindi ko malaman kung kailan ako hihinto, panandalian.
"Hindi ko alam kung kailan ako mas makakapagbigay ng mahabang oras sa mga tao at sa mga bagay na may halaga sa buhay ko," dagdag pa niya.
At dahil aminado naman si Vice na siya ang may pinakamalaking ‘ambag’ sa kanilang pamilya — although stable na rin ang kanyang mga kapatid financial wise — hinikayat niya ang mga kapwa niya breadwinner na resellers ng Santé Barley sa ginanap na launching niya na maging priority ang kalusugan at alagaan ang sarili para makatulong din sa iba pang mahal sa buhay.
Sa tulong ni Vice, layunin ng Santé na ma-inspire ang mga tao na gamitin ang kanilang full potential at mabuhay nang mas masaya.
HAPPY and proud namang nag-renew ng kanyang kontrata bilang ambassadress ng CC6 and FunBingo ang napakagandang alaga ni Tita Aster Amoyo na si Rhen Escaño last Friday, Jan. 31.
One year nang ambassadress ng CC6 Online Casino (with 700,000 daily active users and has been recognized as the “Most Trusted Online Casino” and “Top Responsible Gaming Platform”) at ng FunBingo (with 40,000 daily users and was honored with the “Outstanding Community Service Award” for its strong advocacy in helping communities) si Rhen.
Pero nagpakatotoo ang mala-Barbie rin sa ganda at seksing dalaga na kahit endorser siya ng online casino, never pa raw niyang na-try na maglaro o tumaya rito.
At nagpapasalamat daw si Rhen na hindi naman siya inoobliga ng CC6 na maglaro o magsugal at manghikayat ng mga players online dahil sapat na raw sa kumpanya na ang maging partisipasyon ng dalaga ay sa charity projects ng FunBingo.
Bilib nga raw siya sa mga bossing ng CC6 at FunBingo dahil hindi ang pagdami ng online players nila ang habol nila kundi mas mahalaga para sa kanila ‘yung dami ng matutulungan nila at mababago ang buhay mula sa mga pumapasok na kita sa dalawang leading online platforms.
Kaya naman, “gaming with a heart” kung i-describe ni Rhen ang CC6 at FunBingo na ang misyon ay makatulong sa mga nangangailangan.
Ayon naman kay Ms. Dhevy Sahagun, B’Vibes Entertainment Production and JAF Digital Group executive, walang pressure sa kanila na mag-add pa ng another ambassador ng CC6 Online Casino at FunBingo dahil si Rhen lang ay sapat na bilang napakasipag nga raw nito sa mga charity projects na kanilang ginagawa.
After ng contract signing, nakausap namin sandali si Rhen Escaño at sinabi namin sa kanya na ang ganda-ganda niya at puwede siyang itapat kay Ivana Alawi.
Nabanggit naman niya na nu’ng nagsisimula pa lang siya, hindi siya ganu’n ka-confident sa kanyang ganda at gusto nga raw sana niyang iparetoke ang kanyang ilong at magpa-enhance ng boobs, pero pinigilan daw siya ng Viva Entertainment.
Kung iniintriga man daw siya ng iba na retokada, ang inamin lang niyang ipinaayos niya ay ang kanyang mga ngipin dahil ngayon ay naka-veneers na siya.
Nababaitan kami kay Rhen at marespeto itong sumagot sa press kaya wish namin ay mas dumami pa ang kanyang projects lalo’t may potential din siya acting wise.
LUMIPAD pa-Hong Kong ang public service at talk program na CIA with BA upang tuparin ang kahilingan ng ating mga kababayang OFWs na mabisita sila nina Senador Alan at Pia Cayetano, at ni Tito Boy Abunda.
Sa first part ng special HK episode ng show na ipinalabas last Sunday (Feb. 2), nag-share ang mga Pinoy doon ng kanilang stories sa hangaring magkaroon ng mas magandang buhay. Isa sa mga tampok na kuwento ay mula sa mga babaeng propesyonal sa Pilipinas na nagtatrabaho ngayon bilang domestic helpers sa Hong Kong. Sa kabila ng kanilang trabaho, hindi nila tinalikuran ang kanilang mga propesyon. Tuwing day-off nila, nagbibigay sila ng libreng serbisyo bilang mga nurse, guro, at cancer support volunteers.
Natuwa si Sen. Pia at pinapurihan sila. Patuloy daw sana silang magsilbing inspirasyon sa iba.
Nagbigay naman ng legal advice si Sen. Alan sa isang OFW na na-diagnose ng breast cancer para sa mga karapatan nito lalo na sa aspetong health benefits.
Ibinahagi naman ni Tito Boy kung gaano kaespesyal para sa kanya ang Hong Kong at ang Filipino community dito.
“Sa akin po, ang Hong Kong ay napakaespesyal dahil nu’ng buhay pa po ang aking ina, at tuwing kami’y dumadalaw dito, ang nanay ko, sobrang tuwang-tuwa dahil nakikita niya at nakakasalamuha ang kanyang mga pamangkin, ang aking mga pinsan, na hanggang ngayon po ay domestic helpers dito. Kaya hindi po iba sa akin ang mga OFWs dito sa Hong Kong,” aniya.
Ang CIA with BA ay nagpapatuloy sa pamana ng yumaong Senator Rene Cayetano at napapanood tuwing Linggo, 11:00 PM sa GMA-7, at may replay sa GTV tuwing Sabado, 10:30 PM.
Comments