top of page
Search

Puro gulay at prutas lang… TIMMY, CANCER SURVIVOR, GUMALING DAHIL 'DI KUMAIN NG MEAT

BULGAR

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 08, 2023


Cancer survivor pala ang singer-actress-composer na si Timmy Cruz. Ang kanyang breast cancer ang dahilan kaya siya nagpahinga nang ilang taon sa kanyang showbiz career.


Sa USA siya namalagi at hindi siya nag-undergo sa chemotherapy.


Ayon kay Timmy, ang natural na paraan ng gamutan ang kanyang ginamit. Nakatulong nang malaki ang kanyang pagiging vegetarian sa kanyang paggaling.


Hindi siya kumakain ng kahit na anong klaseng karne, pati na isda. Gulay at prutas lang ang kanyang kinakain.


Itinuloy din ni Timmy ang regular exercise, jogging at madalas din siyang mag-meditate.


At sa halip na ma-depress sa kanyang kalagayan ay pinili niyang maging productive, maging masayahin at mag-compose ng mga awitin.


After 5 years ay naisip ni Timmy Cruz na balikan ang kanyang singing and acting career.


Umuwi siya ng 'Pinas para i-promote ang isa sa kanyang compositions.


Napapanahon ang pagri-release ng kanyang Christmas single, ang My Wish For You.

Ang Artist Circle ni Rams David ang nangangalaga ngayon sa career ni Timmy Cruz.

Good luck!


0 comments

コメント


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page