top of page
Search
  • BULGAR

Puring-puri ng mga kapwa artista… KATHRYN, NEXT KINA NORA, VILMA, SHARON, ETC.

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 7, 2024


Showbiz News
Photo: Kathryn Bernardo / IG

Maraming senior stars ang nagkakaisa sa pagsasabing si Kathryn Bernardo ang next big star ngayon sa showbiz at magtatagal ang kanyang career tulad nina Nora Aunor, Vilma Santos-Recto, Lorna Tolentino Sharon Cuneta, Sarah Geronimo atbp..


Bukod daw kasi sa magaling umarte at professional sa trabaho, mabait ito, humble at marunong makisama sa kapwa artista. 


Maging sina Janice at Gelli De Belen at Candy Pangilinan ay nagkakaisa sa kanilang opinion na mas magiging big star si Kathryn.


Well, strong ang character ni Kathryn at kayang mag-solo at hindi na kailangan ng ka-love team upang sumikat pa nang husto. Nasa right path ng kanyang career ngayon si Kathryn at dagdag factor din sa kanyang popularidad ang pagtatambal nila ng Pambansang Bae na si Alden Richards na isa ring magaling na aktor.


Muli silang pinagtambal sa sequel ng box office hit movie nilang Hello, Love, Goodbye na Hello, Love, Again na kukunan ang ilang eksena sa Canada. 


Handang-handa na nga si Kathryn sa mas mature na pagganap. Magle-level uli ang kanyang pagiging aktres. 


Sunud-sunod ang kanyang nominasyon ngayon bilang Best Actress sa iba’t ibang award-giving bodies. 


Sey ng mga netizens, naging bentahe kay Kathryn ang paghihiwalay nila ni Daniel Padilla dahil mas dumami ang opportunities sa kanyang career.




0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page