top of page
Search
BULGAR

Punong Ministro sa Iceland at libong kababaihan, nagwelga para sa pantay na sahod

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 25, 2023




Iniwan ni Prime Minister Katrin Jakobsdottir ng Iceland, kasama ng libong kababaihan ang kanilang trabaho upang magprotesta para sa pantay-pantay na karapatan, sahod at labanan ang karahasan sa kababaihan nu'ng Martes, Oktubre 24.


Saad ng tagapagsalita ni Jakobsdottir, nakiisa ito sa kilos sa pamamagitan ng hindi pagdalo sa kanyang mga gawain.


Tinatalang nasa 10.2% ang itinaas sa sahod ng kalalakihan sa Iceland nu'ng 2021, na nagresulta sa pag-alis ng mga kababaihan sa kanilang trabaho.


Ayon kay Steinunn Rognvaldsdottir, isa sa organizers ng protesta, hindi pa talaga nila nakakamit ang pagkakapantay-pantay kahit pa mas maayos ang pagtrato sa kababaihan sa kanila kumpara sa ibang bansa.


Dagdag niya, ito pa lang ang pangalawang beses na tumagal ang ‘Kvennafri’ o Women's Day Off ng isang buong araw.




0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page