top of page
Search
BULGAR

Pumatay sa amang record produ abroad… BEA, GINAYA SI LYLE MENENDEZ SA HALLOWEEN COSTUME, NA-BASH, POST BINURA NA

ni Ambet Nabus @Let's See | Nov. 3, 2024



Photo: Bea Alonzo / Instagram


Agad ngang binura ni Bea Alonzo ang post niya kung saan ginaya niya ang “look” ng pinag-uusapang si Lyle Menendez, isa sa magkapatid na pumaslang ng sariling parents in the ‘90s.


Posibleng mabigyan ng parole ngayon ang magkapatid sa panibagong pagdinig ng sinasabing pagkakaroon ng mistrial. Nauna na kasing pinatawan ng habambuhay na pagkakakulong sina Lyle at Erik dahil nga sa pagpatay sa parents nila without parole.


Isang kilalang music and record producer ang tatay ng magkapatid na Menendez, at ayon sa kanila ay minomolestiya sila ng sarili nilang ama since mga bata pa sila at kinukunsinti lamang ito ng kanilang nanay.


Ang pagpatay sa mga magulang ang pinagbasehan ng husgado kung bakit sila nakulong hanggang nitong mid-2000 ay ang mismong dating Menudo member na si Roy Rosello ang nangumpisal na kahit siya ay nakaranas ng sexual abuse mula sa naturang producer. 


Bunsod nga rito ay may isang abogadong naghain ng petisyon upang magkaroon uli ng trial and this time ay pagtuunan ng pansin ang “sexual abuse” item. Posible raw kasing mayroon pang ibang lalantad na nabiktima ng tatay ng Menendez brothers.

Nasa Netflix ang isang film docu tungkol dito, at doon marahil nakakuha ng idea si Bea na gamiting Halloween costume ang isa sa mga Menendez brothers, with her short hair at with matching armalite pa.


Pero dahil mas marami sigurong nag-nega sa post ni Bea, agad din naman niya itong idinelete.


Ang pogi-pogi pa naman ng awrahan niya. Hehehe!


 

Dumaan sa likod ni Kabayan Noli habang live na nagre-report… KAREN, ABSUWELTO SA BLOOPER SA TV PATROL



“MAGANDANG dilag,” komento naman ng mga kasamahan ni Karen Davila sa News Department ng Kapamilya Channel.


Nag-viral kasi ang pagtawid ni Karen sa likod ni Kabayan Noli de Castro habang live na nagre-report ang huli sa TV Patrol.


May kung ano’ng kukuning gamit lang daw si Karen nang mga sandaling iyon at hindi nito inakalang na-timing sa portion ni Kabayan Noli ang pagtawid niya sa likod nito.


“Nangyayari naman po ang mga ganu’n dahil minsan matagal silang nakatayo sa studio. May pa-beauty queen lang na rumampa nang masigla that time, kaya ‘yun, nahagip s’ya ng kamera nu’ng turn na ni Kabayan. Magandang dilag naman na naka-white pa,” ang tumatawang pahayag ng aming kausap.


O ‘di ba, at least, hindi siya tinawag na ‘magandang dalag’ ng mga kasamahan niya na super-labs na siya ngayon. Hahaha!


 

Kaya idinemanda….

PAGKALUGI NG NEGOSYO NI KEN, MAY KINALAMAN DAW SA SEXUAL FAVOR



KAPWA wala na nga sa Widows’ War (WW) sina Rita Daniela at Archie Alemania sa ngayon.


Ito nga marahil ang paraan ng GMA-7 na ipakita ang kanilang ‘suporta’ sa mga artista nila.


“There are actually three sides of the story, ‘ika nga. Rita’s, Archie’s and the story itself. And since it has already been filed in the proper forum, let the bright lawyers and the rules of law apply and be discerned. Kami naman, laging sa katotohanan lang magbabase,” ang nakuha naming pahayag ng isang may mataas na posisyon sa network.


Wala kasi silang opisyal na ipinahahayag maliban nga sa pagtanggal sa dalawang artista sa kanilang mga kinabibilangang series.


Samantala, tahimik sa socmed (social media) ang mag-asawang Archie Alemania at Gee Canlas though may mga intriguing notions ang ilang mga netizens sa diumano’y “butas” ng kuwento ni Rita sa kanyang inihaing reklamo.


Pero tila nababahala naman ang marami sa umano’y sunud-sunod na iskandalo ng mga GMA artists na nasasangkot sa ‘sexual issues’ gaya raw ni Sandro Muhlach at 2 contractors at kahit ‘yung kay Ken Chan na dating leading man at best friend ni Rita Daniela ay sa 'sexual favor' iniuugnay ang kasong pagkakalugi raw ng negosyo nito kaya’t may mga demanda ito?


Aguy naman!



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page